Wastong Paggamit ng Wika At Paraan ng Pagpapahayag"



https://www.slideshare.net/mobile/yani-yanyan/wika-53186597


         Ang wika ay ating instrumento tungo sa komunikasyon, Ito ay naging isang bahagi na ng mga ating kaispian. Importante ito sa bawat indibidwal na nakatira sa isang bansa dahil ito lamang ang tanging rason kung bakit malaya natin napapahayag ang ating mga gustong sabihin o gawin. Kung ating iisipin ang wika ay makapangyarihan, sapagkat kaya nitong gawin ang kahit ano man sa pamamagitan lamang ng salita. Wika din ang ginagamit natin para maipahayag ng isang indibidwal ang kanyang ideya o opinyon na maaring pasalita man o pasulat.

 https://m.facebook.com/Wikang-Filipino-Wika-ng-        Pagkakaisa-1121263818057912/photos/


       Ang wika ay di lamang tungkol sa komunikasyon, marami din itong  panggagamitan kung iisipin lang natin ito. May  kanya kanyang gamit ang ating wika depende sa sitwasyon, pero dapat alam din natin na nagagamit ito sa tama o wasto. Alamin mo kung ito ba ay pormal o may naidudulut ba itong maganda sa iyong sitwasyon. Maraming mga salita ngayon henerasyon ay nabago na o pinalitan dahil na din sa mga pagbabagong nangyayari. Sana ay gumamit tayo ng angkop na pananalita kung tayo ay nagpapahayag sapagkat hindi lahat ng tao ay nakakaintindi o nakakaalam. Suriin din natin kung ang ating pinapahayag ay angkop ba o hindi dahil maaring hindi tayo magkakaintindihan na magreresulta sa away o gulo. Maraming masamang naidudulot ang maling paggamit ng wika lalo na kung ang intensyon natin ay masama, kaya atin itong iwasan at iwasto natin ang ating kamalian kung alam mong ito'y may maidudulot na masama sa ating kapwa.


https://m.facebook.com/WikaKoMahalKo/photos/?ref=page_internal&mt_nav=0


    Ang wika ay nakakatatak na sa ating mga kaisipan simula pa lamang tayo ay pinanganak. Ito na ang ating gabay simula noon hanggang ngayon.Kaya responsibilidad ng bawat indibidwal na ito ay gamitin sa tama at mas lalo itong pagyamanin. Dahil ang wika ay ang tanging yaman ng ating mga sarili na kailan man ay hindi mapapalitan na kahit sino man.


Comments